KAYA MO, ayaw mo lang
KAYA MO, ayaw mo lang
Sabi nila, ang mundo ay parang gulong. Hindi mo masasabi kung anong takbo nito o san ito pupunta, ngunit isa lang ang sigurado. Paikot-ikot ito at lahat ng sulok ay panandalian lamang, walang permanente, walang kasiguraduhan. Madalas sa buhay natin nakakaranas tayo ng mga bagay o sitwasyon na hindi natin inaasahan, mga bagay na kahit kailan hindi natin pinangarap na makuha o mangyare. Minsan nasa baba ka, minsan nasa taas ka. Minsan masaya ka, minsan naman malungkot ka. Isa sa mga katotohanan sa mundo na kailan may hindi na mababago ay ang katotohanang, lahat ng nakikita mo ay panandalian lamang. Ang hirap na nadarama mo ngayon ay maaaring hindi mo na maranasan bukas o sa susunod na panahon. Ang sayang nararanasan mo ngayon ay maaring mapawi. Kung bakit maraming mga tao ngayon ang hindi matanggap ang sariling buhay , sakadahilanang hindi pa nila ito naiintindihan.
"Ang buhay mo ay isang gulong"
Hindi man permanente ang saya, hindi man permanente ang buhay. Ngunit ang buhay mo ay magiging resulta parin ng mga pinili mo o ang mga desisyon mo. Ikaw parin ang pipili ng landas kung saan pupunta ang gulong ng buhay mo. Hindi mo man mapipigilan ang pag-ikot ng gulong, ngunit kaya mo naman itong mapapunta sa maayos, maganda at masasabi mong sulit na buhay.
Huwag mong isipin na hindi mo kaya, may mga bagay na maaaring makasakit sayo o makadurog sayo ngunit hindi ibig sabihin na hindi mo ito kayang lampasan. Dahil totoo ang Diyos, Siya ang nagbibigay lakas, Siya ang nagsabing kaya mo! Kaya mo hindi dahil malakas ka, kundi dahil malakas ang Diyos na meron ka. Huwag kang panghinaan ng loob. Tandaan mo!
"Kaya mo! Ayaw mo lang!"
Kaya mo naman, pero ayaw mo tanggapin.
Kaya mo naman, pero ayaw mo gawin.
Kaya mo naman, pero ayaw mo tapusin.
Kaya mo!
Maniwala ka lang.
Comments
Post a Comment