KAYA MO, ayaw mo lang
KAYA MO, ayaw mo lang Sabi nila, ang mundo ay parang gulong. Hindi mo masasabi kung anong takbo nito o san ito pupunta, ngunit isa lang ang sigurado. Paikot-ikot ito at lahat ng sulok ay panandalian lamang, walang permanente, walang kasiguraduhan. Madalas sa buhay natin nakakaranas tayo ng mga bagay o sitwasyon na hindi natin inaasahan, mga bagay na kahit kailan hindi natin pinangarap na makuha o mangyare. Minsan nasa baba ka, minsan nasa taas ka. Minsan masaya ka, minsan naman malungkot ka. Isa sa mga katotohanan sa mundo na kailan may hindi na mababago ay ang katotohanang, lahat ng nakikita mo ay panandalian lamang. Ang hirap na nadarama mo ngayon ay maaaring hindi mo na maranasan bukas o sa susunod na panahon. Ang sayang nararanasan mo ngayon ay maaring mapawi. Kung bakit maraming mga tao ngayon ang hindi matanggap ang sariling buhay , sakadahilanang hindi pa nila ito naiintindihan. "Ang buhay mo ay isang gulong...