Posts

KAYA MO, ayaw mo lang

Image
               KAYA MO, ayaw mo lang Sabi nila, ang mundo ay parang gulong. Hindi mo masasabi kung anong takbo nito o san ito pupunta, ngunit isa lang ang sigurado. Paikot-ikot ito at lahat ng sulok ay panandalian lamang, walang permanente, walang kasiguraduhan. Madalas sa buhay natin nakakaranas tayo ng mga bagay o sitwasyon na hindi natin inaasahan, mga bagay na kahit kailan hindi natin pinangarap na makuha o mangyare. Minsan nasa baba ka, minsan nasa taas ka. Minsan masaya ka, minsan naman malungkot ka. Isa sa mga katotohanan sa mundo na kailan may hindi na mababago ay ang katotohanang, lahat ng nakikita mo ay panandalian lamang. Ang hirap na nadarama mo ngayon ay maaaring hindi mo na maranasan bukas o sa susunod na panahon. Ang sayang nararanasan mo ngayon ay maaring mapawi. Kung bakit maraming mga tao ngayon ang hindi matanggap ang sariling buhay , sakadahilanang hindi pa nila ito naiintindihan.  "Ang buhay mo ay isang gulong...

PADAYON FUTURE DOKTORA

Image
PADAYON FUTURE DOKTORA!           Simula bata pa pinangarap ko ng maging isang doktor. Na balang araw makikita ko ang aking sarili na magsusuot ng puting uniporme at tatawaging doktora, na siyang magiging instrumento ng Diyos sa pag-gagamot ng mga taong may karamdaman. Isang doktor na papawi sa takot ng mga pasyenteng nasa bingit ng kamatayan. Yun ang Pangarap ko, ang pag-aaral mula elementarya hanggang sa kolehiyo ay mahirap. Ang prosesong iyon ang bumasag saakin ngunit yun din ang bumuo saakin. Doon ko nakilala ang sarili ko at doon ko mas nakita ang ibat-ibang sitwasyon ng mga tao. Doon ko napatunayan kung gaano ka importante ang propesyong tinatahak ng mga paa ko. Doon ko mas minahal ang pangarap ko, doon ko mas napatunayan kung ano talaga ang gusto ko. Kaya sa mga kagaya kong future doktora, magpatuloy tayo. Hindi magiging madali ngunit naniniwala ako na sulit lahat ng pasakit. Kaya natin to, Future doktora. PADAYON TA!       ...